^

Police Metro

ECQ ‘di na ipapatupad pa ng gobyerno

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pang-masa
ECQ �di na ipapatupad pa ng gobyerno
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na kung muli kasing ipatutupad ang ECQ o total lockdown sa mga nasabing lugar ay hindi na ito kakayanin pa ng ekonomiya, lalo pa’t matindi ang ibinagsak ng Gross Domestic Product ng bansa sa ikalawang kwarter ng taon.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Hanggang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na lamang ang kayang ipa­tupad ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan nito.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na kung muli kasing ipatutupad ang ECQ o total lockdown sa mga nasabing lugar ay hindi na ito kakayanin pa ng ekonomiya, lalo pa’t matindi ang ibinagsak ng Gross Domestic Product ng bansa sa ikalawang kwarter ng taon.

Ayon kay Sec. Roque, isang kompromiso o pinagbigyan lamang ng gobyerno ang hiling ng ilang medical frontliner kaya’t ibinalik sa MECQ ang ilang lugar sa Luzon.

Subalit, ang importante aniya dito ay nagbukas pa rin ng ilang negosyo kahit papaano upang hindi gaanong maramdaman ang epek­to ng MECQ sa ginagawa ngayong pagsisikap ng gobyerno na maiba­ngon ang ekonomiya ng bansa.

Umaasa naman si Trade Secretary Ramon Lopez na hindi na mapalalawig pa ang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at karatig lalawigan.

“Just like the ECQ, this will have a drastic impact, significant impact. However, we have to bite the bullet, sabi nga,” ani Lopez.

“But Im hoping that this will just be two weeks. So ganun naman e, as we try to manage the virus and live with it and we open safely, pag may mga problema, we can step back a bit and then pursue again, try to open gradually and safely,” patuloy pa nito.

Sa datos mula kay Lopez, 1.5 milyon ang rehistradong micro, small and medium enterprises kung saan nasa 52% ang bahagyang nag-o-operate at 22% naman ang fully operating.

vuukle comment

MECQ

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with