^

Police Metro

Pinas, ipaprayoridad ng China sa bakuna vs COVID-19

Gemma Garcia - Pang-masa
Pinas, ipaprayoridad ng China sa bakuna vs COVID-19
Matatandaang sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes ay nabanggit nitong nakapag-usap na sila ni President Xi Jinping sa telepono at sinigurong mabibigyan ang bansa sakaling magkaroon na ng sariling bakuna ang China.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nanindigan ang China na bibigyang prayoridad nito ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19.

Alinsunod ito sa na­pag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping.

Ayon kay Foreign Mi­nistry spokesman Wang Wenbin, ang Pilipinas ay “friendly close neighbour” ng China at prayoridad ito sakaling may mabuo na itong bakuna.

“Since the outbreak of COVID-19, China and the Philippines have been standing together with mutual assistance, turning anti-epidemic cooperation into a new highlight in bilateral relations,” dagdag pa ni Wang.

Matatandaang sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte nitong Lunes ay nabanggit nitong nakapag-usap na sila ni President Xi sa telepono at sinigurong mabibigyan ang bansa sakaling magkaroon na ng sariling bakuna ang China.

Sa kasalukuyan, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia kung saan batay sa tala nitong Martes, Hulyo 28 ay nakapagtala na ito ng 83,673 kaso at 1,947 naman ang namatay.

vuukle comment

COVID-19

XI JINPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with