^

Police Metro

2 timbog sa P6.8 milyong shabu sa mall

Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang dalawang lalaki sa isang buy-bust ope­ration sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Jeffrey Garcia Santos, 39, ng Don Carlos Village, Pasay City at Alexander Maulha Said,  28, ng Culiat, Tandang Sora, Quezon City at nakumpiska sa kanila ang nasa 1000 gramo ng shabu na aabot sa halagang P6,800,000.00.

Sa ulat, alas-11:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang puwersa ng PDEA Regional Office IV-A (PDEA ROIV-A) Regional Special Enforcement Team at PDEA Cavite, Regional Intelligence Division/Regional Drug Enforcement Unit ng Philippine National Police Regional Office IV-A sa isang parking lot ng mall sa Bacoor City, ng lalawigan at isang PDEA member ang nagpanggap na buyer.

Nang magkasundo ay ginawa ang drugdeal sa parking lot kung saan nakapalibot na dito ang mga otoridad  at pagdating ng mga suspek ay mabi­lisan ang abutan ng items kaya’t dito na inaresto ang dalawa.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with