^

Police Metro

Manugang inutas ng biyenan

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 36-anyos na lalaki matapos barilin ng kanyang biyenan na kanyang nakaalitan sa Barangay Rizaluna, Cordon sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Cordon PNP ang nasawing biktima na si Dominador Tabangin habang ang suspek na bi­yenan nito ay nakilala naman na si Manolito Retotal, 65, magkapitbahay sa nasabing barangay.

Bago nangyari ang krimen, alas-5:20 ng hapon sa harap ng bahay ng biktima ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng suspek sa hindi pa malamang kadahilanan hanggang sa pagbabarilin ng tatlong beses sa katawan na agad ikinamatay ng una.

Tumakas ang suspek, subalit naaresto rin makalipas ng ilang oras sa isinagawang follow-up operation.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with