^

Police Metro

Angkas sa motor na kaanak payagan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na payagang umangkas ang asawa o kaanak sa motorsiklo sa mga lugar na ipinaiiral ang General Community Quarantine (GCQ).

Sinabi ni Atty. Ariel Inton,founding president ng LCSP, dapat payagan ng LTFRB na magka angkas ang magkapamilya sa motor dahil mas matipid ito, mas ligtas sa panahon na may banta pa ng COVID- 19 sa bansa.

Sinabi ni Inton na may 90 percent ng mga tao sa bansa ay may pagmamayari ng motor na ginagamit sa kabuhayan ng pamilya .

“Kung sabay pumasok ang mag-asawa sa trabaho ‘di ba’t mas ligtas si misis sa COVID-19 kung nakaangkas siya kay mister kaysa sasakay siya sa public transportasyon na hindi niya kakilala mga kasabay nya? Kung naka angkas siya kay mister ‘di bat mas matipid para sa pamilya dahil hindi na siya mamamasahe?.Pero wala silang social distancing na mag asawa? Aba at hindi ba sa bahay nila ay magkasama sila kumain, matulog, at iba pa? “,paliwanag ni Inton.

Anya, mas ligtas sa ­Covid-19 ang magka ang­kas na magkamag-anak sa motor kaysa sa sasakay sa pampasaherong sasakyan.

Sinabi din ni Inton na makakabawas rin ang mga ito sa mga nag-aagawan sa public transport dahil mas konti ang maisasakay dahil sa reduced capacity policy sa ngayon ng gobyerno para sa lahat ng passenger vehicles.

vuukle comment

ANGKAS

GCQ

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with