^

Police Metro

PCSO tinulungan ang 4,328 na may sakit

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 4,328 na may sakit na mahihirap na Pinoy sa buong bansa ang binigyan ng medical assistance ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula Mayo 18 hanggang 22.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, inaprubahan ng ahensiya ang P33,811,163 halaga ng medical assistance para sa ilalim ng Medical Access Program (MAP), o dating Individual Medical Assistance Program or (IMAP), na idinisenyo para makatulong sa pangangailangang medikal ng mga indigent Filipinos, partikular na sa hospital confinement, chemotherapy, dialysis, at post-transplant medicines.Pinupondohan ito mula sa kita ng mga laro ng PCSO sa buong bansa.

Sinabi naman ni Garma na sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) crisis at suspensiyon ng kanilang mga operasyon, gumagawa ang ahensiya ng mga kinakailangang hakbang para maipagpatuloy ang pagkakaloob ng medical assistance sa dumaraming bilang ng mga indigents na humihingi ng tulong mula sa PCSO.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with