^

Police Metro

Sen. Go, isinulong ang pagtatatag ng Medical Reserve Corps

Gemma Garcia - Pang-masa
Sen. Go, isinulong ang pagtatatag ng Medical Reserve Corps
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1451 o “Medical Reserve Corps Act of 2020,” target nitong makalikha ng Medical Reserve Corps na bubuuin ng mga nagtapos sa medisina, nursing, medical technology, at iba pang health-related fields na may lisensya.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang pag­tatatag ng Medical Reserve Corps para mapadali ang pagresponde ng pamahalaan kapag may nararanasang health emergencies sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1451 o “Medical Reserve Corps Act of 2020,” target nitong makalikha ng Medical Reserve Corps na bubuuin ng mga nagtapos sa medisina, nursing, medical technology, at iba pang health-related fields na may lisensya.

Ipinupunto ni Go ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan naging punuan ang mga pribado at pampublikong ospital.

Anya, ang kakulangan ng medical personnel ang isa sa mga naging dahilan kung kaya naging mabagal ang pagresponde sa COVID-19.

Kapag naging batas ang panukala ni Go, maaring ipatawag ang Medical Reserve Corps para ayudahan ang national government sa anumang national emergencies.

Ang kalihim ng Department of Health ang mangunguna sa mobili­zation base na rin sa pakikipagtulungan sa Secreta-ries of of National Defense, Education, and Interior and Local Government.

vuukle comment

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

MEDICAL RESERVE CORPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with