^

Police Metro

Solon, magbibigay ng PCR at automated extraction machine sa BGH

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mas marami pang residente ang masuri laban sa COVID-19 ay magdo-donate si ACT-CIS Cong. Eric Go Yap ng PCR machine at ng automated extraction machine sa Benguet General Hospital.

Ayon kay Yap, na siya ring legislative caretaker ng lone district ng Benguet, inaasahang darating ang mga naturang makina ngayong linggong ito upang paigtingin pa ang testing capacity ng mga health facilities sa lalawigan.

“Test, test, test. ‘Yan ang sagot at hindi basta quarantine lang nang quarantine. Dagdagan natin ang kakayahan nating makapagtest at pabilisin natin ang paglabas ng resulta. Kaya nung nagtanong tayo kung may paraan para mas marami ang test na magawa, makakatulong daw ang pagkakaroon ng Automated Extractor. It’s a no brainer, alam ko sa sarili ko na kailangan bumili rin tayo nito upang mas marami tayong test na magawa. From 100 tests a day dahil manual ang ginagamit, magiging 1,000 ang puwedeng i-test once na may automated machine na. It is a must have,” ani Cong. Yap.

Ang mga makina ay ido-donate ng mambabatas sa Benguet General Hospital, ngunit pansamantala, dahil sa kawalan ng sapat na pasilidad sa pagamutan, lalagda muna sila ng Memorandum of Agreement sa Baguio General Hospital, na tanging COVID testing center sa rehiyon.

vuukle comment

COVID-19

ERIC GO YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with