Mayo 25 idineklarang holiday ni Duterte
MANILA, Philippines — Para magbigay-daan sa pagtatapos ng Ramadan, idineklarang regular holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mayo 25.
Sa pamamagitan ng Proclamation 944 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea ay ipinatupad ang nasabing anunsiyo bilang pag-obserba sa Eid’l Fitr, batay sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.
“The entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr,” ayon sa proklamasyon.
Inaalala sa panahon ng Ramadan ang unang paghahayag ng Quran sa propetang si Muhammad.
Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa loob ng tatlong araw matapos ang isang buwang pag aayuno.
Hindi tulad ng maraming regular holiday, paiba-iba ang petsa ng nasabing okasyon.
- Latest