^

Police Metro

2 nagbenta sa online ng COVID-19 test kits, dinakip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang babae matapos ireklamo sa pagbebenta ‘online’ ng mga COVID-19 testing kits. 

Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga inaresto na sina Shanon April Mejia Alegre at Esseline Raisa Sy Ong.
Ayon kay Distor, nakatanggap sila ng impormasyon sa pagtitinda ng test kits sa online market sa kabila na ipinagbabawal ito ng Food and Drugs Administration (FDA) sa ilalim ng Advisory Nos. 2020-497 at 498 nitong Abril.

Mahigpit na binibigyan ng otoridad para magtinda ng test kits ang mga lisensyadong doktor, ospital at botika lamang at di maaaring gamitin ng personal ng buyer.
Natukoy ng NBI ang isang seller sa online nitong Mayo 13 at nakontak nila at umorder sila ng 200 kahon ng test kits na nagkakahalaga ng P2.4 milyon saka itinakda ang bentahan sa isang bahay sa BF Homes sa Parañaque City.

Isinagawa ang bentahan nitong Abril 14 kung saan inaresto sina Alegre at Ong nang tanggapin ang marked money buhat sa poseur buyer at bigo ang mga ito na magpakita ng lisensiya sa pagbebenta mula sa FDA.

vuukle comment

COVID-19

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with