^

Police Metro

Mocha sa NBI: ‘Honest mistake’ ang FB post

Danilo Garcia - Pang-masa
Mocha sa NBI: �Honest mistake� ang FB post
Nagtungo si Uson sa NBI bilang pagtalima sa subpoena mula sa cybercrime division ng ahensya, na nag-utos sa kanya upang ipaliwanag ang paggamit niya ng larawan mula sa isang pribadong grupo para sa isang Facebook post tungkol sa pagbili ng personal protective equipment ng pamahalaan.
File

MANILA, Philippines — Inamin ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson na nakagawa ito ng “honest mistake” sa isang Facebook post na nakakuha sa atensyon ng mga imbestigador ng fake news sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nagtungo si Uson sa NBI bilang pagtalima sa subpoena mula sa cybercrime division ng ahensya, na nag-utos sa kanya upang ipaliwanag ang paggamit niya ng larawan mula sa isang pribadong grupo para sa isang Facebook post tungkol sa pagbili ng personal protective equipment ng pamahalaan.

Nitong Abril, inilathala ni Uson sa kanyang page ang tungkol as delivery ng 15,000 set ng PPEs na binili ng Department of Health, ngunit lumalabas na ang larawang ginamit niya ay mula sa SM Foundation.

Aniya, intensyon niyang bigyan ng kaalaman ang publiko na hindi pinapabayaan ng gobyerno ang frontliners.

“Kaya nga du’n sa post ko, nai-share ko ‘yung good news na mayroong ginagawang aksiyon ang gobyerno na mag-provide ng PPEs sa ating mga frontliners,” saad ni Uson sa isang panayam sa NBI.

Ipinaliwanag niyang naglabas siya ng erratum sa kanyang Facebook page kasunod ng pagkakamali.

Sinabi ni NBI cybercrime division chief Victor Lorenzo na isinumite ni Uson ang mga larawan sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa subject ng reklamo.

Noong Abril 2018, inireklamo rin si Uson dahil sa sinasabing pagpapakalat nito ng maling impormasyon sa post nito noong Nobyembre 2016 na kinakailangang dumalo sa protest rally ang mga mag-aaral ng St. Scholastica’s College noong nasa Presidential Communications ­Operations Office pa ito. 

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with