^

Police Metro

Pagpapatupad ng batas sa free wi-fi pinasisilip

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasisilip ni Senador Win Gatchalian sa Senado ang pagpapatupad sa Republic Act No.10929 o Free Internet Access in Public Places Act  (FIAPPA) sa gitna na rin ng paghahan­da ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase gamit ang distance learning.

Layon din ng Senate Resolution No. 392 na inihain ni Gatchalian  na palawakin ang saklaw ng batas sa mga pampublikong paaralan, Alternative Learning System o ALS centers, state universities and colleges o SUCs, TESDA at mga community learning centers.

Ani Gatchalian, mahalaga ang papel ng “Free Wi-Fi for All” lalo na nga-yong panahon ng pandem­ya kung saan inihahanda ang mga paaralan, mga estudyante, guro at lahat ng kawani ng sektor ng edukasyon pagdating ng pasukan kaya dapat matiyak na naipatutupad ang nasabing batas.

Matapos maisabatas ang FIAPPA noong 2017, inilunsad ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang Pipol Konek Project – the Free Wi-Fi Internet Access For All in Public Places upang mas maraming Pilipino ang makagamit ng internet.  Nagkaroon din ng kasunduan sa pagitan ng DICT at ng United Nations Development Programme o UNDP na mag-install ng 6,000 hotspot sites sa mga malalayo at nanga-ngailangang mga lugar at komunidad sa bansa.

Ayon naman kay Dep­Ed Usec. Alain Pascua, 48% lamang o 22,645 sa 47,013 pampublikong paaralan ang may internet. May 16.7 mil­yong mag-aaral naman na naka-enroll sa mga paaralang ito.

vuukle comment

FREE WI-FI

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with