^

Police Metro

Mas maraming dayuhang trader hikayatin na mamuhunan-Go

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas marami pang dayuhang negosyante ang hikayatin ng pamahalaan para mamuhunan sa bansa partikular na sa mga rehiyon na hindi pa mas­yadong na-dedevelop.

Ito ang mungkahi ni Senador Bong Go dahil ang nasabing hakbang ay magiging suporta sa long term plan para sa pagpapatupad ng “Balik-Probinsiya” program kapag nalampasan na ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go,dahil sa problemang dulot ng nasabing virus sa iba’t ibang bansa sa mundo kaya maraming mga negosyo ang nagnanais na pumunta sa mga bansang may mas murang production cost at skilled workforce.

Kaya magiging oportunidad umano ito sa Pilipinas para mahikayat ang mga negosyo na dito na lamang mamuhunan sa mga probinsya at Pilipinas at magiging daan din ito  para sa paghahanda sa implementasyon ng “Balik Probinsiya”program, gayundin din para mapa­lakas ang regional development.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with