^

Police Metro

500,000 residente ng Makati tatanggap ng P5K ayuda

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 500,000 residente ng Makati City ang nakatakdang tumanggap ng P5,000 ayuda mula sa “MAKA-tulong 5K for 500K+ Makatizens program” na pinondohan ng P2.7 billion ng lokal na pamahalaan.

Ito ang inianunsyo kahapon sa Facebook Live, ni Makati Mayor Abby Binay.

Kung sa social amelioration program (SAP) ay bawat household ang makatatanggap ng cash aid, sa ayudang ito ay bawat isang eligible beneficiary ay makakakuha ng P5K financial aid sa Mayo 15, sa pamamagitan ng contactless distribution o electronic money transfer sa ilalim ng progra­mang  “MAKA-tulong 5K for 500K+ Makatizens”, na hindi na sasalain kung anuman ang economic status.

Pinasalamatan ng alkalde ang Globe Telecom na kabalikat nila sa “contactless and transparent” na pagpapatupad ng programa sa pamamagitan ng GCash.

Nilinaw niya na sa mag-asawang parehong kuwalipikado ay P10K ang makukuha nila; kung may anak na ­kuwalipikado rin ay may sarili itong P5k ; kung may kasama sa bahay na lolo at lola ay may tig-P5k din sila.  

Aniya, kahit nakakuha na ng cash aid mula sa lungsod ang senior citizens, persons with disability, informal workers, solo parents, ay kuwalipikado pa rin sila sa mabibigyan ng P5k financial assistance.

Para maka-avail sa programa, dapat ay nasa 18 gulang pataas, residente ng Makati o nakatira sa relocation sites sa San Jose Del Monte, Bulacan, at calauan, Laguna, na pinangangasiwaan ng Makati City government.

vuukle comment

ABBY BINAY

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with