^

Police Metro

Radio broadcaster tinodas ng tandem

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Radio broadcaster tinodas ng tandem
Batay sa ulat, alas-8:00 ng gabi ay sakay ang biktima ng motorsiklo angkas ang misis nito pauwi na sa kanilang bahay sa Sibulan matapos ang programa niyang “Pokpokin mo Baby” sa Energy FM 93.7.

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang radio broadcaster matapos na malapitang pagbabarilin ng riding in tandem, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Villa Amada St., Brgy. Daro, Dumaguete City.

Ang nasawi dahil sa limang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Rex Cornelio Pepino, 49.

Batay sa ulat, alas-8:00 ng gabi ay sakay ang biktima ng motorsiklo angkas ang misis nito pauwi na sa kanilang bahay sa Sibulan matapos ang programa niyang “Pokpokin mo Baby” sa Energy FM 93.7.

Sa salaysay ng mga saksi hinarang ang biktima ng isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at walang kaabog-abog na malapitan itong pinagbabaril habang hindi naman sinaktan ang misis nito.

Dinala ang biktima sa Silliman University Medical Center na kung saan ay idineklara itong dead on arrival.

Nabatid na si Pepino ang ikatlong broadcaster na pinatay sa lungsod una ay noong Nobyembre 2019 nang barilin at mapatay si Dindo Ge­neroso na patungo sa kanyang trabaho at noong April 2018 ay nabaril din at napatay si Edmund Sestoso.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with