^

Police Metro

Jinggoy pinalaya na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalaya na ng pulisya si dating Senador Jinggoy Estrada na unang inaresto at dinala sa presinto kamakalawa ng hapon dahil sa umano’y paglabag sa ipinatutupad na quarantine protocols.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi nang payagan ng mga pulis na makauwi na sa kanyang bahay si Estrada na hindi rin naman kinasuhan at sa halip ay binigyan lamang ng stern warning at pinagsabihan hinggil sa nagawang paglabag.

Magugunita na Linggo ng hapon nang arestuhin ng mga pulis sa presinto si Estrada habang namimigay ng mga bangus sa Brgy. Salapan dahil sa nagawang pag­labag sa quarantine protocols nang mamigay ng relief goods na walang koordinasyon sa local city government, na nagresulta upang magkumpulan ang mga tao na nais makatanggap ng relief goods, at hindi naobserbahan ang social distancing. 

Wala rin umanong quarantine pass si Estrada kaya’t hindi siya otorisadong lumabas ng kanyang tahanan hanggang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Nanindigan naman si Estrada na wala silang nalabag na social distancing measures at nakasuot din sila ng personal protective gear at face masks, para mapigilan ang posibleng hawahan ng virus.

Inihayag din niya na bangus lamang mula sa fish pond ng kanyang ina ang kanyang ipinamimigay at hindi pera at iginiit na politika ang nasa likod nang pag-aresto sa kanya.

Ipinaliwanag pa niya na tumutulong lamang siya sa kanilang mga kababayan kaya’t hindi na niya kailangan pang manghingi ng permiso kahit kanino.

Marami rin naman aniyang ibang grupo na tumutulong sa relief operations ng walang permit kaya’t nagtataka aniya siya kung bakit sini-single out lamang siya.

Sa panig naman ni incumbent San Juan Mayor Francis Zamora, pinabulaanan nito ang akusasyon ni Estrada na politika ang nasa likod ng insidente.

Nagpahayag din naman si Zamora ng kalungkutan sa aniya’y kawalan ng respeto ni Estrada sa batas, gayung dati pa naman aniya itong isang senador.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with