^

Police Metro

Salpukan ng motor at van: 3 patay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng tatlong sakay ng motorsiklo matapos makabanggaan nila ang kasalubong na van sa kahabaan ng highway ng Purok-5, Brgy. Balasbas, Manito, Albay kamakalawa ng hapon.

Tinangka pang isugod sa Manito Municipal Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang rider na si  Rafael Trilles,55-anyos, mga angkas na sina Jessie Trilles, 33-anyos at Renan Dagta,17-anyos, pawang residente ng Sitio Parina ng baying nabanggit.

Sa ulat ni Major Dexter Panganiban, tagapagsalita ng Albay Police, dakong alas-4:25 ng hapon, kapwa mabilis na binabagtas ang highway ng magkasalubong na motorsiklo (IZ-7481) ng mga biktima at Toyota Grandia van (EAA-6772) na minamaneho ni Jerry Bartolay, 49-anyos ng Brgy. San Roque, Daraga.

Gayunman, pagda­ting sa naturang lugar ay ma­lakas na nagsalpukan ang dalawang sasakyan dahilan para malasog ang katawan ng mga biktima na kanilang ikinamatay.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with