Koleksyon ng BIR bumaba ng 32 percent
MANILA, Philippines — Nasa 32 porsyento o P226 bilyon ang ibinaba sa total collections ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula Enero 2020 hanggang kalagitnaan ng April 2020 na umaabot na lamang sa P480.64 bilyon dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dulot ng COVID-19.
Dahil sa bumabang koleksiyon, nagkaroon ng short na P398.54 bilyon sa kabuuang target collection na P879.18 bilyon para sa Enero 1 hanggang Abril 15, 2020.
Sa Mayo 30, ang extended date ng filing ng ITR at pagbabayad ng buwis nang ipatupad ng Malacañang ang lockdown hanggang Abril 30, samantalang ang submission ng attachments para sa nai-file na ITR online ay extended hanggang Hunyo 15.
- Latest