^

Police Metro

Mass testing sisimulan na sa Lipa City

Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisimulan na sa darating na linggo ang mass testing sa mga biktima ng COVID-19 sa lungsod ng Lipa, ayon kay Mayor Eric Africa. 

Ang Lipa City ay nakapagtala ng pinakamaraming positibo sa COVID-19 sa Batangas base sa datus ng Department of Health Region 4-A.

Sa pinakahuling tala ng DOH noong Abril 17 sa Lipa, umabot na sa 20 ang nagpositibo sa sakit samantalang lima na ang namamatay dito kabilang ang 23-araw pa lamang na sanggol. Pito sa tinamaan ng COVID-19 sa Lipa ay pawang mga health workers na doktor at nurses. 

“Bagama’t mataas ang kaso ng COVID-19 dito sa Lipa, wala pa namang naitatalang local transmission dito sa lungsod,” ani Africa

Sinabi ni Africa na sisimulan na next week ang mass testing matapos aprubahan ng DOH ang kanilang Gene Xpert Machine na nasa Ospital ng Lipa. Mapapadali na rin aniya ang pagtukoy sa mga posibleng nahawaan ng virus dahil sa gagamitin nilang rapid testing kits. 

vuukle comment

MASS TESTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with