^

Police Metro

ECQ ginagamit ng shippers para iwas sa taripa sa ports

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit na nanawagan kamakailan si DOTr Secretary Arthur Tugade at Philippine Ports Authority sa mga cargo shippers at consignees na alisin na ang kanilang overstaying cargoes dahil sa nagsisikip na sa Ports of Manila, tila hindi umano ito sinusunod ng mga consignees o shippers ng mga kargamento at ginagamit na dahilan ang enhanced community quarantine (ECQ).

Nabatid na ang paggamit ng ECQ ng mga consignees ay upang makaiwas lang sa mga babayarang taripa bago mailabas ang kanilang mga cargo sa mga pier katulad sa ports of Manila.

Ayon sa pamunuan na naiintindihan nila na bumagal ang galaw ng mga cargo dahil sa umiiral na ECQ subalit  nadiskubre nila na ginagamit lang ito kaya naaantala  ang paglabas ng mga container vans sa port.

Anila, malinaw umano ang direktiba ni Pangulong Duterte hanggang sa IATF sa lahat ng concerned departments tulad ng DOF, DOTr, DILG, PNP, AFP at maging sa BOC na “there should be an unhampered/unimpeded  flow of cargo” na nakita ng mga consignees na isang oportunidad para makaiwas ng taripa at binabalik sa gobyerno ang problema para makakuha ng special accommodation. Sinasadya umano nilang hindi na kumilos at kunin ang kanilang cargo para ipa-forfeit sa gobyerno at pagkatapos ay doon na lamang aaregluhin habang ang iba naman umano ay  nais iwan ang cargo sa pier dahil wala sila sariling storage o depot.

vuukle comment

ARTHUR TUGADE

TARIPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with