^

Police Metro

10 trader dinakip sa overpriced alcohol at surgical mask

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sampung negosyante na umano’y nagbebenta ng mga overpriced na alcohol at surgical masks ang dinakip sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa Maynila at Las Piñas City kamakalawa.

Sa Maynila, alas-3:30 ng hapon nang madakip ng mga otoridad sa buy-bust operation sa may Raxabago Street cor. Juan Luna, Brgy. 151 Tondo ang mga suspek na sina Rose Ann Gaddi, 24; Cristina Samson, 34; Antonio Samson Jr., 36; Joanne Alejandro, at Andrea Nieves, 22.

Bago ito, lumapit sa MPD ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) para hu­mingi ng tulong na madakip ang mga suspek na nag-aalok ng alkohol sa mas mataas na halaga sa social media.

Target ng operasyon si Gaddi ngunit nadakip din ang apat niyang kasamahan habang nakumpiska ang apat na kahon ng Fa­mily brand alcohol na may tig-15 piraso na ibinibenta ang bawat isang litro ng alkohol sa halagang P500.

Alas-9:50 ng gabi naman nang maaresto ng MPD katuwang ang Intelligence Unit 300 ng Philippine Air Force (PAF)  sa may kanto ng Tayuman at G. Perfecto Street sa Brgy. 55 Tondo ang mga suspek na sina Mary Jane Aliga, 25, ng Brgy. 55, Tondo at Bob Cazzie Nellas, 36, driver, at nakatira sa Pasig Extension, Maypajo, Caloocan City at nakumpiska sa kanila ang nasa 150 galon ng isoprophyl alcohol at isang asul na Mitsubishi Adventure na gamit nila sa operasyon.

Inaresto sa par­king lot ng isang mall sa Brgy. Almanza 1, Las Piñas,alas-7:20 ng gabi ang suspek na si Harold Villanueva, 35, ng BF Martinville Subd., Brgy. Manuyo 2, makaraang magbenta ng walong galon ng alkohol sa mataas na halaga.

Sunod na nadakip dakong alas-7:30 ng gabi sa may Alabang-Zapote Road sa Brgy. Almanza Uno ang mga suspek na sina Jay Bonn Agbulos, 36 at Brian Maglaya at nasamsam sa kanila ang 120 kahon ng surgical masks na ibi­nibenta nila ng mas mahal.

vuukle comment

ALCOHOL

OVERPRICED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with