Baragay checkpoints sa major thoroughfares pinatatanggal
MANILA, Philippines — Upang matiyak na iisa ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) guidelines para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19), pinatatanggal ng Joint Task Force Coronavirus Shield (JTF CV Shield) sa lahat ng police commanders ang mga barangay checkpoints sa national highways at provincial roads sa buong bansa.
Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, JTF CV Shield commander, ang kanilang aksiyon ay pagtalima sa kautusan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año dahil na rin sa mga reklamo sa rules and regulations na ipinatutupad ng mga local government units (LGUs) hanggang sa barangay.
Sinabi ni Eleazar na ang pagkakaroon ng mga checkpoints ang nagiging dahilan ng pagkaantala ng delivery ng basic commodities at nagdudulot din ito ng malaking kalituhan sa mga delivery lalo na sa mga exempted sa home quarantine o Authorized Persons Outside Residence (APOR) dahil may sariling regulasyon ang mga barangay na hindi ipinatutupad ng IATF.
Nakakalungkot aniya na tila sinasamantala ng mga barangay officials ang kanilang posisyon sa pamamagitan ng barangay checkpoints bagama’t lumalabag na sa IATF guidelines.
“Maliwanag ang utos ng ating Pangulo na dapat ang IATF Guideline and mangingibabaw sa lahat ng ECQ rules na ipinapatupad,” ani Eleazar.
- Latest