^

Police Metro

97 na ang kaso ng covid-19 sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pang-masa
97 na ang kaso ng covid-19 sa Quezon City
Matapos na kumalat ang “fake news” sa social media na magkakaroon ng 60-days total lockdown at military takeover sa Luzon dahil sa COVID-19, lalong dumagsa ang mga nag-panic buying sa mga grocery stores sa Araneta Avenue, Quezon City kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Muling umakyat ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa QC na kung saan sa loob ng magdamag ay dumagdag ng 10 kaya’t nasa 97 na ang kaso.

Ang 10 bagong mga kaso ay mula sa District 1- sa Barangays Bahay Toro-1, Mariblo-1, San Isidro Labrador-2, San Jose-1 at West Triangle -1;Sa District 2 - Barangay Bagong Silangan -2, District 4 -barangay Dona Imelda-1 at District 6- Barangay Culiat -1.Nadagdagan naman ng isa o nasa kabuuang 14 na ang namamatay sa lungsod.

Habang dalawang pasyente ang naka rekober o may kabuuang 9 katao na ang gumagaling na pasyente sa lungsod.

Patuloy pa rin na hina­hatiran ng pagkain at hindi pinalalabas ng kanilang mga bahay ang mga nasa loob ng red zone o nasa extreme enhanced community quarantine sa Barangays Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, BL Crame, South Triangle, Culiat at Bahay Toro. Ang mga lugar na ito ay lampas sa 2 ang kaso ng COVID-19 kaya naisailalim sa red zone.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with