^

Police Metro

Motortrade tinulungan ang pinakamahirap na pamilya

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Motortrade Nationwide Corporation ang isang proyekto na tulungan ang pamilyang tinatawag na “poorest-of-the-poor” sa pamamahagi ng mga “food packs” sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ginanap ang paglulunsad sa Motor­trade-Sen. Gil Puyat Avenue Branch sa Makati na tinawag na “Sa Motortrade, Alaga Ka Dito” gift giving na tatagal hanggang Pebrero 29 sa lahat ng kanilang mga sangay mula Luzon, Visayas at Mindanao. 

Layon nito na makapagpasalamat ang Motortrade sa publiko dahil sa pagtangkilik sa kanila at pagiging pinakamalaking motorcycle dealer sa bansa.

Ayon kay Motortrade Regional Ma­nager for South Renalyn Prades, namahagi ang Motortrade ng food packs sa mga pinakanangangailangan na mga pamilya mula Luzon hanggang Visayas na ang bawat food pack ay naglalaman ng basic food items kagaya ng bigas, kape, noodles at sardines.

Nabatid na bawat branch ay namigay ng 50 food packs at dahil may kabuuang 624 branches ang Motortrade sa buong bansa ay umabot sa 31,200 pamilya ang nabiyayaan ng proyekto na ang bawat food packs ay inihatid ng ‘door-to-door’ ng mga motorcycle rider groups na kaisa ng Motortrade sa proyekto.

Sinabi naman ni Fernando Lopez, Regional Manager, na may limang taon nang ginagawa ng Motortrade ang proyekto para matulungan ang mga tinatawag na ‘poorest-of-the-poor’ sa bawat barangay.

Tinutukoy ang mga kuwalipikadong benepisaryo ng mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng ibinigay nilang criteria na kanilang biniberepika sa pagbisita sa kanilang lugar.

Sinabi rin ni Lopez na tumutugon at namamahagi rin ng ‘food packs’ ang Motortrade sa iba pang kalamidad tulad ng pagtama ng bagyong Tisoy at sa nakalipas na pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Muling hinikayat ng Motortrade ang publiko sa pagbili ng motorsiklo sa iba’t iba nilang sangay. Maaaring magpunta ng personal sa anumang sa­ngay nila at maaari ring bisitahin ang kanilang Facebook page na Facebook.com/MotortradePh at website na www.motortrade.com.ph.

vuukle comment

MOTORTRADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with