^

Police Metro

11K empleyado ng ABS-CBN, i-regular

Gemma Garcia - Pang-masa
11K empleyado ng ABS-CBN, i-regular
Nabatid na karamihan sa 11, 000 trabahador sa ABS-CBN ay mga talent o contractual ang status sa naturang kumpanya.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hinamon kahapon ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na ga­wing regular lahat ng 11,000 empleyado ng nasabing kumpanya para patunayan na pinapa­ngalagaan nito ang kapakanan ng kanilang mga trabahador.

Ito ang naging pahayag ni Cong. Yap kasunod ng mga isyu na kinakaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at sa Quo Warranto petition na isinampa laban sa kanila ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

“Hinihikayat natin ang ABS-CBN na panindigan at patunayan na sila ay tunay na “In the Service of the Filipino,” sa pamamagitan ng pag-regular sa 11,000 empleyado nila,” Ayon kay Yap.

Nabatid na karamihan sa 11, 000 trabahador sa ABS-CBN ay mga talent o contractual ang status sa naturang kumpanya.

Hinamon din niya ang pamunuan ng ABS-CBN na bayaran ang mga back pay at iba pang benepis­yo ng may 120 empleyado na diumano’y ilegal na tinanggal noong 2010 at hanggang ngayon ay patuloy na pinaglalaban ang kanilang karapatan sa korte.

“Kung totoong kapakanan ng tao ang iniisip ng ABS-CBN, bakit hindi nila unahin ang karapatan ng mga empleyado nila at ipakita na seryoso sila sa sinasabing serbisyo para sa Filipino,” dagdag ni Yap.

vuukle comment

ERIC GO YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with