^

Police Metro

5 motorcycle rider utas sa bangga

Joy Cantos, Mer Layson, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang motorcycle rider ang nasawi sa magkakahiwalay na aksidente sa kalsada sa Marikina City, Bukidnon at Camarines Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rene Roquero, 39; Nelvin Labanon Batingal, menor de edad; Rodolfo Descotido, 32, binata; Bernie Rodriguez Magistrado, 43; at Jemerson Amocan Taduran, 24.

Sa Marikina City, ala-1:20 ng madaling araw ay minamaneho ni Roquero ang kanyang motorsiklo nang bumangga sa Toyota Corolla Altis 2017 (DAD-9918) na minamaneho ni Jeremy Rommel Barreto, 21 pagdating sa kanto ng Chile Street, at Haiti Street, Greenheights Subdivision.

Sa lakas nang pagbangga ay tumilapon ang biktima na una ang ulo na bumagsak sa semento na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Napisak naman sina Batingal at angkas nitong si Descotido nang pumailalim ang sinasak­yan nilang motorsiklo sa Isuzu truck (AWA 6156) na minamaneho ni Joney Boy Caburnay Timogan, 48 nang magkabanggaan sa highway ng Maramag, Bukidnon kamakalawa ng ala-1:50 ng hapon.

Kapwa lasog ang katawan at hindi na umabot ng buhay sa ospital sina Magistrado at Taduran nang magbanggaan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng national highway ng Zone-1, Brgy. Ayugan sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur kamakalawa ng alas- 12:00 ng hatinggabi.

vuukle comment

RENE ROQUERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with