^

Police Metro

6 pusher sa Bulacan dedo sa drug bust

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang anim na drug pusher sa magkakahiwalay na drug buy-bust sa operation sa tatlong bayan ng lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Edman Aspirin; Chamberlain Domingo; Chadwin Santos; Erick Domingo; Nelson Pecho at isang di pa nakikilalang pusher.

Sa ulat, alas-12:20 ng madaling araw nang mapatay ng mga otoridad ang mga suspek na sina Aspirin, Domingo, Santos at isang di pa nakikilalang suspek sa Brgy. Tungkong Mangga sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Narekober sa mga ito ang 38 piraso ng plastic sachet ng shabu, isang Cal .22 revolver at tatlong improvised shotgun.

Napatay naman sa Norzagaray si Erick Domingo dakong ala-1:15 ng madaling araw habang si Pecho ay napatay sa isinagawang drug bust sa Brgy. Pinaod, San Ildefonso, Bulacan dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Narekober sa kanila ang 12 piraso ng plastic sachet ng shabu at 2 kalibre 38 baril.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with