^

Police Metro

2 namatay sa coronavirus, nailibing na

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 namatay sa coronavirus, nailibing na
Una nang naiulat na isasalang sa cremation ang mga labi ng nasawing nCoV patient at isa pang nasawi dahil sa Pneumonia na suspected nCoV patient subalit hindi umano tinanggap ng crematorium.
STR/AFP

MANILA, Philippines — Matapos na tanggihan ng mga crematories, ipinalibing na lamang ang mga labi ng isang 44-anyos na Chinese national na namatay dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) at isa pang pasyente na itinuturing na patient under investigation (PUI).

Ito ang kinumpirma kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III.

Aniya, nagpasiya na lang ang director ng San Lazaro Hospital  (SLH) kung saan naratay ang dalawa, na ilibing na lamang, sa hindi tinukoy na sementeryo.

Una nang naiulat na isasalang sa cremation ang mga labi ng nasawing nCoV patient at isa pang nasawi dahil sa Pneumonia na suspected nCoV patient subalit hindi umano tinanggap ng crematorium.

Ang naturang pasyente ang unang nCoV patient na namatay sa Pilipinas, at kauna-unahan ding nCoV patient na namatay sa labas ng China.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with