^

Police Metro

82,068 katao na ang inilikas

Joy Cantos - Pang-masa
82,068 katao na ang inilikas
Ang nasabing data na iniulat ng PDRRMO ay higit na mataas sa bilang na inireport ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 18,000 pamilya o kabuuang 82,068 katao ang inilikas sa iba’t ibang evacuation center sanhi ng matinding epek­to ng phreatic explosion ng Taal volcano.

Ito ang iniulat kahapon ni Joselito Castro, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batangas.

Ang nasabing data na iniulat ng PDRRMO ay  higit na mataas sa bilang na inireport ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC).

Sa update ng NDRRMC nitong Miyer­kules ng umaga, nakapagtala ng 12,486 pamilya o 53,019 katao na naapektuhan sa pagputok ng Taal volcano sa 24 lungsod at mga bayan ng Batangas at lima naman sa mga bayan at isang lungsod sa Cavite at Laguna.

Sa nasabing bilang, nasa 10,000 o 43,681katao ang nanunuluyan sa 217 evacuation centers.

vuukle comment

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with