^

Police Metro

PDEA idineklarang ‘drug cleared’ ang 3 bayan sa Cagayan Valley

Victor Martin - Pang-masa
PDEA idineklarang �drug cleared� ang 3 bayan sa Cagayan Valley
Ayon sa PDEA, ang mga nasabing bayan ay pumasa sa mga para­meters sa ilalim ng drug-clearing program ng gobyerno na binusisi naman sa isinagawang assessments ng mga miyembro ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program sa pangunguna ng nasabing ahensya sa rehiyon.
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region-02 ang tatlong bayan sa dala­wang lalawigan ng Cagayan Valley.

Ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng San Manuel at San Isidro sa lalawigan ng Isabela at ang bayan ng Santa Ana, sa Cagayan, kung saan matatagpuan ang pinakamaraming bilang ng mga Chinese.

Ayon sa PDEA, ang mga nasabing bayan ay pumasa sa mga para­meters sa ilalim ng drug-clearing program ng gobyerno na binusisi naman sa isinagawang assessments ng mga miyembro ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program sa pangunguna ng nasabing ahensya sa rehiyon.

Nitong Biyernes la­mang ay idineklarang  drug-cleared ang bayan ng Santa Ana sa Cagayan matapos makumpirma na wala na umanong droga sa mga barangay nito at alinsunod na rin sa mga probisyon na nakapaloob sa Dangerous Drugs Board (DDB).

Ang bayan ng Santa Ana sa lalawigan ng Cagayan matatagpuan ang pinakamaraming bilang ng mga negosyante at manggagawang Intsik sa rehiyon-2 na nagtratrabaho sa mga casino at iba pang online games.

Nauna rito ay magkasabay na idineklarang drug-cleared ang mga bayan ng San Manuel at San Isidro sa lalawigan naman ng Isabela batay na rin sa isinagawang assessment ng PDEA.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with