^

Police Metro

Drug bust sa Bulacan: 2 pusher todas

Omar Padilla - Pang-masa
Drug bust sa Bulacan: 2 pusher todas
Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Ace Gonzales, nasa hustong gulang, nakatira sa NHV, Brgy. Bitungol ng nasabing bayan at Richard Delara, 45.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang drug pusher ang nasawi nang ito umano ay manlaban sa mga otoridad sa isang buy-bust ope­ration sa Brgy. Bitungol, Norzagaray, Bulacan, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Ace Gonzales, nasa hustong gulang, nakatira sa NHV, Brgy. Bitungol ng nasabing bayan at Richard Delara, 45.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente, alas-3:30 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis-Norzagaray sa nasabing lugar, subalit nakatunog umano ang dalawang suspek na pulis ang kanilang ka-deal.

Bumunot umano ang dalawang suspek ng baril at pinutukan ang ka-deal na pulis na masuwerteng hindi tinamaan.

Kung kaya gumanti na ng putok ang mga nakatagong pulis na siyang ikinamatay ng dalawang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ang limang plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver at buy-bust money.

vuukle comment

DRUG BUST

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with