^

Police Metro

Ex-Batangas solon, 2 pa sinunog sa sasakyan ,

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos uling na nang makuha ang bangkay ng isang dating congressman­ sa lalawigan ng Batangas at dalawang kasama nito na kanyang driver at bodyguard nang barilin muna bago sunugin sa loob ng kanilang sasak­yan, kahapon ng madaling araw sa Tiaong, Quezon.

Isa sa biktima ay kini­lalang si dating 2nd Dis­trict Representative Edgar­ Mendoza, 60, loob ng Honda Civic (DAN 6374). Habang inaalam pa ang pa­ngalan ng kanyang driver at bodyguard nito.

Sa ulat ng Tiaong Mu­nicipal Police Station (MPS), ala-1:45 ng madaling araw nang ma­katawag sila ng tawag hinggil sa nasusunog na sasakyan sa kaha­baan ng Barangay San Fran­cisco.

Mabilis nagresponde ang mga operatiba ng Tiaong MPS kasama ang mga elemento ng Bureau of Fire Protection (BFP) at naapula ang apoy ban­dang alas-2:28 ng mada­ling araw at dito na nadiskubre ang bangkay ng dating­ solon at kasama nito na kapwa may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kinumpirma naman ni Atty. Edgar Mendoza Jr., anak ng dating mambabatas na sila ang nagmamay-ari ng sinunog na Honda Civic.

Base sa salaysay ng pamilya ni Mendoza, uma­lis ng kanilang bahay sa Batangas ang dating solon­ patungo ng Calamba, La­guna kasama ang driver at bodyguard para sa isang meeting nitong Miyer­kules, subalit hindi na ito nakabalik pa ng kanilang bahay kaya iniulat ito ng kanyang asawa sa pulisya na nawawala.

Kasalukuyang nag­sa­sagawa ng masusing­ imbes­tigasyon ang oto­ridad­ hinggil sa nasabing krimen at sa posibleng pagkakaki­lanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito.

vuukle comment

EDGAR­ MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with