^

Police Metro

Solon, kinuwestiyon ang maliit na refund ng Grab

Pang-masa
Solon, kinuwestiyon ang maliit na refund ng Grab
Ito ang sinabi ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap at hindi makatwiran ang ipinataw na refund dahil napakaliit nito kumpara sa kanilang sunud-sunod na violation.
AFP

MANILA, Philippines — Hindi umano makatuwiran ang umano’y maliit na refund bilang penalty sa malaking violation ng Grab.

Ito ang sinabi ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap at hindi makatwiran ang ipinataw na refund dahil napakaliit nito kumpara sa kanilang sunud-sunod na violation.

Sinabi ng bagitong mambabatas, hindi pwedeng sa bawat violation ng Grab ay refund na lang ang gagawing parusa at hindi lang isang beses nangyari na nagpataw sila ng mataas na pasahe sa kanilang mga pasahero.

“Unfair at unjustified pricing ang ginagawa ng Grab. Sinasabi na mataas ang demand at kulang ang drivers sa area kaya napa­kataas ng presyo nila. Dapat ay magkaroon ng cap,” pahayag ni Yap.

Anang bagitong mam­babatas, nagmamalaki pa ang Grab na kung hindi kaya ng kanilang kostumer na magbayad ay huwag magpa-book sa kanila.

“Hindi issue na kung afford ba ng ordinaryong Pilipino ang presyo ng pamasahe ng Grab, ang issue rito ay kung tama ang kanilang sinisingil sa riding public,” ani Yap.

Minsan na rin sumubok na magpa-book sa Grab si Cong. Yap, pero na-cancel kaya nagpa-book ulit ito pero doble na umano ang sinisingil sa kanya.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with