^

Police Metro

Martial law sa Mindanao, tapos na

Joy Cantos - Pang-masa
Martial law sa Mindanao, tapos na
Ang martial law sa buong rehiyon ng Mindanao ay pormal na nagwakas nitong hatinggabi ng Dis­yembre 31, 2019 pagkalipas ng dalawang taon, pitong buwan o kabuuang 953 araw ng pagiging epek­tibo nito.
AFP Photo / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kahit pormal nang nagwakas ang martial law nitong Disyembre 31, 2019 sa rehiyon ng Mindanao ay ipagpapatuloy pa rin ng tropa ng militar ang pagbabantay sa nakamit na kapayapaan sa rehiyon.

Ito ang inihayag kahapon Defense Secretary Delfin Lorenzana pagkaraang mapagdesisyunan ng gobyerno na huwag ng palawigin pa ang martial law sa buong Mindanao Region.

Pinasalamatan naman ni Lorenzana ang netizens partikular na ang mga residente ng rehiyon sa pagsuporta sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte upang masupil ang terorismo sa nangyaring Marawi City siege noong Nobyembre 23, 2017.

Ang martial law sa buong rehiyon ng Mindanao ay pormal na nagwakas nitong hatinggabi ng Dis­yembre 31, 2019 pagkalipas ng dalawang taon, pitong buwan o kabuuang 953 araw ng pagiging epek­tibo nito.

Unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Du­­terte ang martial law  noong Mayo 23, 2017 matapos umatake at mag­hasik ng terorismo ang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Marawi City sa hangaring magtatag ng caliphate ng mga terorista sa rehiyon. Ang caliphate ay isang kaharian ng mga Muslim na ipinakikipagpatayan ang mga bumubuo sa ISIS.

Napalawig ang martial law mula Hulyo 24 hanggang Disyembre 2017 habang dalawang beses pa itong pinalawig sa tulong ng Kongreso sa buong taon ng 2018 at 2019.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with