^

Police Metro

Namatay sa bagyong Ursula umakyat na sa 50

Joy Cantos - Pang-masa
Namatay sa bagyong Ursula umakyat na sa 50
Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang mga nasawi ay kinabibilangan ng 26 katao sa Western Visayas, 16 sa Eastern Visayas at pito naman sa MIMAROPA ( Mindoro, Marinduque , Romblon at Palawan ).
AFP/Bobbie Alota

MANILA, Philippines — Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa 50 katao ang nasawi sa paghagupit ng bagyong Ursula,

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang mga nasawi ay kinabibilangan ng 26 katao sa Western Visayas, 16 sa Eastern Visayas at pito naman sa MIMAROPA ( Mindoro, Marinduque , Romblon at Palawan ).

Lima katao ang nawawala at patuloy na pinaghahanap habang nasa 143 namang mga indibidwal ang naitalang nasugatan sa pananalasa ng bagyo.

Nasa 522,560 namang pamilya o kabuang 2,122,581 katao ang naapektuhan ng bagyo sa kabuuang 2, 544 Barangays sa Regions sa MIMAROPA, V, VI, VII, VIII at CARAGA.

Iniulat ng NDRRMC na ang paghagupit ni Ursula ay nagresulta sa paglikas ng 12,364 pamil­ya  katumbas na 58, 400 katao sa Region V, VII,  VIII at MIMAROPA.

Umaabot naman sa mahigit na P 1.079 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa iba’t ibang bahagi ng mga rehiyong hinagupit ng bagyo.

Ang malakas na bag­yong Ursula ay nanalasa sa mga apektadong rehiyon nitong nakalipas na Pasko kung saan isinalalim sa state of calamity ang mga lugar na grabeng nasalanta ng kalamidad kabilang ang Leyte, Bi­liran, Aklan at Eastern Samar.

vuukle comment

BAGYONG URSULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with