^

Police Metro

54 katao na ang biktima ng paputok

Doris Franche-Borja - Pang-masa
54 katao na ang biktima ng paputok
Sa naturang mga kaso, 43 o 80% ang mga lalaki at 40 o 74% ang nagtamo ng blast/burn without amputation;14 o 26% ang mayroong eye injuries; at dalawa naman o 4% ang nagtamo ng blast/burn with amputation.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umabot na sa 54 katao ang bilang ng nabiktima ng paputok na iniulat ng may 61 sentinel hospitals sa bansa simula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 21 na ang pinakabatang biktima ay 7-anyos habang ang pinakamatanda ay 71-anyos.

Sa naturang mga kaso, 43 o 80% ang mga lalaki at 40 o 74% ang nagtamo ng blast/burn without amputation;14 o 26% ang mayroong eye injuries; at dalawa naman o 4% ang nagtamo ng blast/burn with amputation.

Nauna nang naputulan ng mga daliri ang isang 7-taong gulang na batang lalaki na mula sa General Trias, Cavite na pinulot lang ang isang hindi natukoy na uri ng paputok, ngunit minalas na pumutok sa kanyang kaliwang kamay. Kasalukuyang naka-confine ang bata sa Philippine General Hospital at nagpapagaling.

Pinakamarami pa ring naputukan sa National Capital Region, na may 21 kaso; sumunod ang Regions 1 at 7 na may tig-6 kaso; Regions 2 at 5 at CALABARZON na may tig-4 na kaso; Regions 6 at 12 na may tig-3 kaso; at Regions 3, 5 at 11, na may tig-isang kaso.

Ang mga paputok naman na pinakamaraming nabiktima ay ang piccolo (8 kaso); boga (6); kwitis (5); at ang 5-star, luces at whistle bomb (tig-4-kaso).

Samantala, handang-handa na ang mga ospital sa bansa sa posibleng pagdagsa ng mga magiging biktima ng mga paputok kasabay ng  pagsalubong sa Bagong Taon.

Kaya’t hindi pinayagan na lumiban ang mga em­pleyado at doktor sa ospital lalo na ang mga nakatalaga sa emergency rooms at lahat ng hospital personnel sa buong bansa ay nakaantabay para sa deployment at augmentation kung kakailanganin.

Umaasa ang DOH na posibleng bababa ang bilang ng mga biktima ng firecrackers related incident dahil sa pagpapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kautusan sa pagbabawal sa mga malalakas na uri ng paputok.

vuukle comment

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with