^

Police Metro

Davao del Sur nilindol ng 6.9 magnitude: 4 patay

Gemma Garcia - Pang-masa
Davao del Sur nilindol ng 6.9 magnitude: 4 patay
Ayon kay Davao del Sur Gov. Doughlas Cagas, hindi pa nila madetermina kung mayroon pang mga tao na trap sa nasabing building.
Ferdinandh Cabrera / AFP

MANILA, Philippines — Patay ang apat na katao matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur, kahapon.

Kabilang sa nasawi ang isang anim na taong gulang na batang babae na nadaganan ang ulo matapos gumuho ang pader ng kanilang bahay sa Matanao, Davao del Sur.

Habang tatlo naman ang patay nang gumuho ang tatlong palapag na Southern trade grocery store na matatagpuan sa Padada, davao del Sur.

Ayon kay Davao del Sur Gov. Doughlas Cagas, hindi pa nila madetermina kung mayroon pang mga tao na trap sa nasabing building.

Sa ngayon ay hindi pa umano nila ma-assess ang lawak ng damage sa kanila, bagamat may mga ulat na nasirang mga tulay, mga building at mga eskuwelahan.

Nagdeklara na rin si Cagas na walang pasok sa mga paaralan sa kanilang lugar matapos ang malakas na lindol, dahil sunud-sunod pa rin na malalakas na aftershocks ang nararamdaman sa lugar.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with