^

Police Metro

Korean drug trafficker, timbog

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa
Korean drug trafficker, timbog
Sa ulat, alas-3:00 ng hapon nang salakayin ng NCRPO, Manila Police District, Quezon City Police District at NBI ang naturang condo unit makaraang magpositibo sa kanilang intelligence gathe­ring na may mini­mintina na shabu laboratory.
File

Shabu lab sa condo...

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang Koreanong drug trafficker na nagmamantine ng shabu laboratory sa inuupahan nitong condominium unit sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jungkil Kim, alyas “Joseph”, 57, nanunuluyan sa 3035 Tower 3 Grass Residence sa may Nueva Vizcaya Street kanto ng Misamis Street, Brgy. Sto. Cristo ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:00 ng hapon nang salakayin ng NCRPO, Manila Police District, Quezon City Police District at NBI ang naturang condo unit makaraang magpositibo sa kanilang intelligence gathe­ring na may mini­mintina na shabu laboratory.

Nang makakuha ang mga otoridad ng search warrant ay isinagawa ang pagsalakay at tanging si Kim ang naabutan sa naturang kuwarto. 

Narekober ng mga otoridad sa loob ng condo unit ang 11 pakete na naglalaman ng puting ‘crystalline substance’ at isang pakete ng brown na substance na kanila pang biniberepika kung anong uri ng droga, mga bote ng hindi mabatid na liquid chemicals, limang bote ng acetone, iba’t ibang equipment, kalan, iba pang solidong substance at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with