^

Police Metro

5 sakay ng motor patay sa salpok

Raymund Catindig, Gemma Garcia - Pang-masa
5 sakay ng motor patay sa salpok
Sa ulat, bago nangyari ang aksidente, alas-6:00 ng umaga ay binabaybay ni San Jose ang nasabing kalsada nang ito ay mag-overtake at dito ay hindi na niya nakontrol ang manibela at nasalpok ang mag-asawang Ladringan na papasakay pa lang sa motorsiklo.

MANILA, Philippines — Patay ang limang ka­tao na sakay ng ka­nilang motorsiklo ma­tapos na bumangga sa sasakyan sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa lalawigan ng Isabela at Occidental Mindoro.

Sa Brgy. Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Min­­doro ay nasawi ang isang mag-asawa matapos ang sinasakyan nilang motorsiklo ay bumangga sa isang Toyota Innova, alas-6:00 ng umaga noong Sabado.

Ang mag-asawang na­sawi dahil sa matin­ding tama sa kanilang mga katawan ay kinilalang sina Ricardo Ladringan at Maribel, kapwa nasa hustong gulang. Nadakip agad ang driver ng Innova na si Roberto San Jose, 56.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente, alas-6:00 ng umaga ay binabaybay ni San Jose ang nasabing kalsada nang ito ay mag-overtake at dito ay hindi na niya nakontrol ang manibela at nasalpok ang mag-asawang Ladringan na papasakay pa lang sa motorsiklo.

Namatay naman ang tatlong kababaihang magkaangkas sa motorsiklo nang sila ay tumbukin ng kasalubong na pick up ng sundalo sa Brgy. Payac, Jones, Isabela noong Sa­bado ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Angel Bulusan; Evagelyn Salvador; at Ann Claire Marie Cama­rao na pawang mga taga- Santiago City. 

Sa ulat, alas-5:00 ng hapon ay papasok ng ka­bayanan ang mga biktima nang mang-agaw ng linya mula sa kabila ang drayber ng Isuzu Dmax na si Private Sonny Boy Matias ng 5th Army Division na noon ay pauwi sa bayan ng Cabagan at nasalpok ang mga biktima.

Sa lakas ng salpok ay tumilapon ang mga biktima sa ere at nagpagulong gulong pa sa kalsada.

Dinala ang tatlong babae sa ospital, subalit sila ay idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

MOTORSIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with