^

Police Metro

Mister itinumba sa harap ng simbahan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang mister nang ratratin ng ‘di pa nakikilalang gunman na sakay ng sports utility vehicle (SUV) habang naglalakad sa harapan ng isang simbahan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kanyang BIR ID na si Roberto Aquino, 46, at naninirahan sa Brgy. Teresita, Binangonan, Rizal.

Batay sa ulat, dakong ala-1:20 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa harapan ng National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel, na matatagpuan sa panulukan ng 5th St., at Broadway Ave., Brgy. Mariana.

Sa salaysay ni Clyde Mendoza, security guard sa simbahan, nabatid na nasa guard house umano siya nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Kaagad umano siyang nagresponde at namataan niya ang nakahandusay na biktima, habang isang kulay itim na SUV naman ang humaharurot papatakas mula sa lugar kaya’t kaagad na inireport sa pulisya ang insidente.

Inaalam naman ng mga otoridad kung may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaslang matapos na makarekober ng isang pakete ng shabu sa crime scene.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with