Davao Occidental, niyanig ng 5.5 magnitude na lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol kahapon ng umaga ang Davao Occidental na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa may 334 kilometro ng timog silangan ng Sarangani Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, may 033 kilometro ang lalim ng lupa ng naganap na lindol at tectonic ang ugat ng pagyanig.
Bago ito, naitala din ng Phivolcs ang 4.2 magnitude na lindol alas-7:18 ng umaga kahapon sa may 025 kilometro ng hilagang silangan ng Tulunan Cotabato.
Naramdaman ang pagyanig na ito sa lakas na intensity 2 sa Kidapawan City at intensity 1 sa Malungon Sarangani.
- Latest