Away lupa: Mag-ama itinumba
Suspek nagbaril...
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-ama nang sila ay malapitang pagbabarilin sa labas ng kanilang bahay ng isa nilang kaanak dahil sa pinag-aagawang lupa, kamakalawa sa Brgy. Binahian, Sipocot, Camarines Sur.
Ang mag-amang nasawi ay kinilalang si Alona Mirando Panganiban, 30; at Anacito Mirando, 50.
Nilalapatan naman ng lunas ang biktimang si Allan Mangampo Mirando, 31 at ang suspek na si Alfredo Ramos Panganiban.
Sa ulat, alas-7:00 ng umaga ay sinugod ni Panganiban ang bahay na may bitbit na kalibre .45 baril at nang makaharap ang mag-ama ay bigla nitong pinagbabaril.
Akmang sasaklolo si Mirando, subalit binaril din siya ng suspek na nagbaril din sa sarili.
- Latest