^

Police Metro

Mister na naghahanap sa lover, binaril ng pinagtanungan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang tama ng bala sa ulo at likod ang ikinasawi ng isang 29- anyos na helper nang barilin siya ng isang lalaki na pinagtanungan niya kung nasaan ang kanyang live-in partner naganap kamakalawa sa Gate 46, Parola, Compound, Binondo, Maynila.

Ang nasawi ay kini­lalang si Journey Gomez, ng no. 916 Delpan St., Tondo, Maynila. Habang tumakas naman ang suspek na kinilalang si Lexter Bitito.

Sa ulat, bago naganap ang insidente sa Gate 46, Parola Compound, dakong alas-3:00 ng hapon ay hinahanap ng biktima ang kanyang ka-live in na si Raquel Almedilia, 46.

Nakita ng biktima ang suspek sa Gate 46 at tina­nong kung nakita si Almedilia, dahil sa dudang ito ang nagtatago sa ka-live in.

Napikon ang suspek hanggang sa magtalo sila ng biktima at dito ay bumunot ng baril ang una at pinagbabaril ang huli na agad nitong ikinasawi.

vuukle comment

TAMA NG BALA SA ULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with