^

Police Metro

2 sex den ni-raid: 2 Koreano, tiklo

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pang-masa

Kustomer nahawahan ng STD...

MANILA, Philippines — Dalawang Koreano na nagpapatakbo ng isang prostitution den ang na­aresto sa magkahiwalay­ na pagsalakay na kung saan ay 10 babae ang na­sagip sa Angeles City, Pampanga, kahapon.

Kinilala ang dala­wang­ suspek na sina Park Kicheri; at Jeung Wook Pyo, tubong Gangnam, South Korea.

Sa ulat, nilusob nang pinagsanib na puwersa­ ng Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group, Regional Anti-Cybercrime Office 3 at Police Regional Mobile Force Battalion ang mga inuupahang bahay­ ng mga suspek sa #68 New York Street, Villasol­ Sub­division, Brgy. Anonas at No. 350 A Paulette Street,Josefaville Subdivision, Brgy. Malabanias; pawang ng lungsod.

Nabatid na ang dalawang bahay ay ginawang massage parlors ng mga suspek na wala namang business permit kung saan nakikipagtalik ang mga babae kapalit ng kabayaran.

Nabisto ang sex trade ng dalawang Koreano ma­­tapos magreklamo ang ilang naging parokyanong nahawaan sila ng sexually transmitted di­sease mula sa mga babae.

Dahil dito, isinagawa ng otoridad ang raid matapos magpalabas ng search warrant si RTC Judge Irene Zenaida Buan.

Nasagip ang 10 ka­ba­baihang ni-recruit ng  mga suspek bilang massage attendant pero may extra service o sex sa kani­lang mga kustomer na kalalakihan.

vuukle comment

PROSTITUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with