^

Police Metro

Motorcycle accident 9th killer sa Pilipinas

Angie dela Cruz - Pang-masa
Motorcycle accident 9th killer sa Pilipinas
Ito ang iniulat ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante sa House of Representatives committee on Ways and Means kaugnay ng ginagawang pagbusisi ng Kongreso sa panukalang taasan ang Road users Tax ng may 300 percent.
File

MANILA, Philippines — Pangsiyam na killer sa bansa ang mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Ito ang iniulat ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante sa House of Representatives committee on Ways and Means kaugnay ng ginagawang pagbusisi ng Kongreso sa panukalang taasan ang Road users Tax ng may 300 percent.

Sa kanyang ulat, sinabi ni Galvante na sa ngayon ay may pitong milyong mga motorsiklo ang nakarehistro sa LTO, mas mataas pa ng doble sa 3 milyong rehistradong ibang mga sasakyan tulad ng kotse.

Anya, ang may 11 milyong may ari ng mga motorsiklo at iba pang uri ng sasakyan ay nakapagbabayad ng levy sa LTO oras na bayaran ang mas mataas na annual registration fee.

Batay naman sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 582,183 Pinoy ang namatay noong 2016 o may 1,591 kada araw, 66 patay kada oras o isa ang patay kada minuto.

Hindi lamang umano ang road accident ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa ating bansa. 

Nangunguna sa mga killer na sakit sa bansa ang Ischemia o ang pagbagal ng pagsusuplay ng dugo sa organ ng tao tulad sa puso, cerebrovascular diseases, cancer, hypertension, diabetes, pneumonia, chronic lower respiratory infection, iba pang uri ng sakit sa puso, respiratory tubercolosis at sakit sa genitourinary system.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with