^

Police Metro

Tandem semplang sa motor, tepok sa trak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang sakay ng isang motorsiklo ang nasawi matapos na masagasaan ng trak nang sumemplang ito sa kanilang sasakyan naganap kahapon ng umaga sa kahabaan ng Trece-Indang Road, Brgy. Inocencio, Trece Martirez City.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Rogen Almoguera, 20, driver ng motor at ang angkas na si Mark Romero, 22, kapwa construction worker at  residente ng  Regina Ville 200, ng nasabing barangay.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang truck driver na si Sonny Reyes, 45, residente ng Brgy. Luciano Bitangan.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente, alas-7:10 ng umaga ay minamaneho ni Almoguera ang kanyang motorsiklo at angkas si Romero na binabaybay ang nasabing highway.

Dito ay kasabay nila ang isang kotse nang unahan sila nito kaya naman ay hindi nagpatalo ang motorsiklo ng mga biktima at nang tangkang unahan ay nasagi nito ang kotse dahilan para sila ay sumemplang at tumilapon.

Nasadsad sa kabilang linya ang mga biktima na siya namang pagdating ng truck na minamaneho ni Reyes at nagulungan ang mga ito.

Nagawa pang maitak­bo sa ospital ang dalawa, subalit idineklara silang dead-on-arrival.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with