^

Police Metro

Espino may natatanggap na ‘death threat’

Gemma Garcia - Pang-masa
Espino may natatanggap na �death threat�
Nakikipag ugnayan na rin umano ang Pangasinan police sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para malaman kung sino ang may-ari ng nasabing mga sasakyan.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Police Col. Redrico Maranan, hepe ng Pangasinan Police, na bago nangyari ang pananambang kamakalawa kay dating governor Amado Espino Jr., ay lumiham ito sa kanya noong nakaraang linggo dahil may natatanggap itong mga pagbabanta sa buhay kaya pansamantala siyang nabigyan ng security.

Paliwanag ni Maranan, base sa kanilang assessment, gun for hire group ang nasa likod ng sinasabing pana­nambang at hindi mga pipitsugin base na rin sa mga gamit na nakuha sa mga sinakyan ng mga suspek na pulang Hyundai Elantra at gray Ford Everest.

Nakikipag ugnayan na rin umano ang Pangasinan police sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para malaman kung sino ang may-ari ng nasabing mga sasakyan.

Tinataya umanong nasa 10 ang suspek sa pananambang sa grupo ni Espino at posibleng mga miyembo ng professional gun for hire group.

Mayroon na rin umanong persons of interest ang pulisya subalit sa ngayon ay nakatutok lang muna sila sa pagkalap ng mga ebidensiya sa crime scene.

vuukle comment

AMADO ESPINO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with