^

Police Metro

727 parak nasa drug list ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa
727 parak nasa drug list ng PNP
Ayon pa sa PNP Chief, kung siya ang masusunod ay ayaw na niyang makabalik pa sa serbisyo ang mga nag-AWOL na mga pulis na umaapela sa Regional Appellate Board ng National Police Com­mission.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Kaugnay ng puspusang internal cleansing ng pamunuan ng Phi­lippine National Police (PNP) ay naitala nila sa kanilang hanay ang 727 nilang miyembro ang nasa drug watchlist.

Ang nasabing bilang ng mga pulis ay lulong, sangkot, at protektor ng illegal drug trade sa bansa.

Ito ang inihayag ka­ha­pon ni PNP Chief Po­­lice General Oscar Albayalde kaugnay ng puspusang sur­veillance operation sa mga parak na naliligaw ng landas.

Bukod sa listahan ng PNP ay nasa listahan din ng Pangulong Rodrigo ang 391 mga aktibong pulis na sangkot din sa ilegal na droga.

Inihayag din ni Alba­yalde na aabot naman sa 200 mga tiwaling pulis ang nasakote ng PNP-In­tegrity Monitoring Group (PNP-IMEG) na sangkot sa iba’t ibang ile­gal na aktibidades.

Ayon pa sa PNP Chief, kung siya ang masusunod ay ayaw na niyang makabalik pa sa serbisyo ang mga nag-AWOL (Ab­sense Without Official Leave) na mga pulis na umaapela sa Regional Appellate Board ng National Police Com­mission (NAPOLCOM).

Ang NAPOLCOM ang nagdedesisyon na pa­balikin ang naturang mga pulis dahil sa mga teknikalidad at walang magagawa ang PNP kundi­ sundin ang NAPOLCOM kahit nabaliktad ang kanilang desisyon.

Kaya sinisiguro nga­yon ng PNP na nasusunod ang “due process” sa pagtatanggal ng mga tiwaling pulis para hindi na makabalik ang mga ito sa serbisyo.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHI­LIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with