^

Police Metro

Bangkay itinapon sa fishpond… 4-anyos ni-rape slay

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Bangkay itinapon sa fishpond� 4-anyos ni-rape slay
Kinilala ang preschooler na biktima na si Wendy Man-ologan, residente ng naturang lugar.
File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 4-anyos na batang babae na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay at saka itinapon sa isang fishpond ang bangkay nito sa Sitio Mangani, Brgy. Tapak, Paquibato District, Davao City, Sabado ng umaga.

Kinilala ang preschooler na biktima na si Wendy Man-ologan, residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang malaman ng mga magulang ng biktima na nawawala na ito kung kaya’y agad silang nagpa­tulong sa mga kapitbahay upang hanapin ang bata.

Samantala, inabot na ng pagputok ng araw nang matagpuan ng isang kapitbahay ang palutang-lutang na bangkay ng biktima sa fishpond na ilang metro lang ang layo mula sa kanilang tahanan.

Inaakalang nalunod lamang ang biktima ngunit sa pagsisiyasat ng pulisya ay nakitang may mga sugat ito sa bunganga at nag-iba na ang porma ng maselang bahagi ng katawan kung kaya’t naniniwala ang mga otoridad na ginahasa muna ang bata bago ito pinatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.

vuukle comment

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with