^

Police Metro

75 kaso ng leptos naitala sa Calabarzon

Doris Franche-Borja - Pang-masa
75 kaso ng leptos naitala sa Calabarzon
“Kailangan?din nating?uminom?ng prophylaxis gaya ng docycyline bago tayo lumusong?sa?tubig upang?makaiwas sa impeksyon na dala ng leptospirosis,” ani Janairo.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Inahayag ni Department of Health-Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo na umaabot na sa 75 kaso ng leptospirosis ang kanilang naitala.

Kaya’t payo ni Janairo na iwasan ang maglakad sa tubig lalo ngayong tag-ulan at may baha upang maiwasan na makapitan ng sakit na leptospirosis.

“Kailangan din nating uminom ng prophylaxis gaya ng docycyline bago tayo lumusong sa tubig upang makaiwas sa impeksyon na dala ng leptospirosis,” ani Janairo.

Naililipat ang sakit na leptospirosis sa balat na may sugat kung naglalakad sa mga lugar na may tubig na posibleng kontaminado ng ihi ng isang hayop partikular ang daga.

Paalala ni Janairo, nakamamatay ang sakit na leptospirosis kaya payo nito na agad na magpakunsulta sa doktor kung nakakaranas ng lagnat, pangi­nginig ng katawan o ‘chills’, pananakit ng ulo, binti, kalamnan at kasu-kasuan, namumula ang mga mata, naninilaw ang balat at nahihirapang umihi.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with